Gatchalian

SENATORS ‘DI PAGOD,’ STAFF DAW ANG NAPAPAGOD—GATCHALIAN

9 Views

HINDI raw pagod ang mga senador, pero biro ni Senate President Sherwin Gatchalian, ang support staff naman ang “parang napapagod” sa tuloy-tuloy na trabaho ng Senado.

“Pero hindi tayo pagod. Tuloy-tuloy tayo. Tuloy-tuloy tayo sa trabaho,” sabi ni Gatchalian sa plenaryo.

Sabay niyang idinagdag: “Pero ang ating support staff parang sila ang napapagod.”

Sumakay sa biruan ang Majority Leader at tinukoy ang mahahabang oras na kasama ng staff ang mga senador sa trabaho.

“Buti nga Mr. President di tayo sinusumbong sa DOLE. Overworked, underpaid, walang bonus ito mga civil service,” biro niya.

Binanggit din niya ang “12-hour days” at sinabing nananatili ang staff habang nasa trabaho pa ang mga senador.

“Kasi if we do 12-hour days, by law they’re supposed to be only doing 8-hour days, but since we’re here they don’t leave,” sabi niya.

Tinukso rin ng Majority Leader si Gatchalian sa umano’y pag-uwi nito nang alas-12 ng gabi.

“Lalo ka na Mr. President umuwi ka ng alas 12 ng ating gabi kaya kawawa ang staff mo,” ani niya.

Nauna nang sinabi ni Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri noong Setyembre 2 na umaabot sa 12 oras, mula “9 to 9,” ang trabaho ng mga senador habang sabay nilang inaasikaso ang impeachment proceedings at regular na legislative work.

Nagpatuloy ang biruan nang mabanggit ang posibilidad na ma-meme ang mga nagrereklamo.

“Kaya naman mag-complain para ma-meme din po kayo,” sabi ng Majority Leader.

“Di na ako mag-complain,” sagot ni Gatchalian.

Naganap ang palitan habang pinag-uusapan ng mga senador ang sunod-sunod na legislative work kasabay ng impeachment proceedings at papalapit na budget season.

Walang staff complaint na binanggit sa mismong palitan, at pabirong sinabi ang mga katagang “overworked, underpaid, walang bonus.”