Cara Y Cruz

Shabu, baril nakuha sa 8 naglalaro ng cara y cruz

13 Views

WALONG mananaya ng cara y cruz ang nasakote ng mga otoridad nitong Huwebes sa Phase 1B, Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Nasakote ng mga pulis sina alyas Mata, Ponjaps, Badeng, Archie, KC, Michelle, Tiger at Jerrson bandang alas-7:00 ng umaga.

May tatlo pang mananaya ang nakatakas.

Nakarekober sa mga nahuli ang pinaghihinalaang shabu, isang cal .38 revolver, dalawang bala at P820 na pusta na nagkalat sa kalsada.