NBI

Shabu, cal. 38 na boga, 2 bala nakuha kay alyas ‘NBI’

Steve A. Gosuico Sep 6, 2026
195 Views

CABIAO, Nueva Ecija–Nalambat ng Nueva Ecija police ang lalaki na may pag-iingat na cal .38 na baril, 2 bala at kalahating gramo ng shabu na may halagang P3,400.

Kinilala ng hepe ng Cabiao police na si Maj. Shariel Paulino ang naarestong suspek na si alyas NBI.

Inaresto ang suspek dahil sa paglabag sa RA 10591 sa tulong ng arrest warrant galing sa executive judge ng Gapan City regional trial court.

Pinuri ni Nueva Ecija police chief Col. Ritchie Claravall ang Cabiao police sa kanilang operasyon.