Tulak

‘Shabungero’ sa Batangas naaresto

17 Views

CAMP GEN. Miguel Malvar — Arestado ang isang hinihinalang tulak ng bawal na gamot sa Brgy. Aplaya, Bauan, Batangas noong Huwebes.

Nasakote ang akusadong si alyas Max, 31, dahil sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Jacqueline Hernandez Palmes, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 3 ng Batangas City.

Binigyang-diin ng acting provincial director ng Batangas na si P/Col. Jacinto Malinao Jr. na walang humpay sa paglaban ang mga pulis sa ilegal na droga sa lalawigan.