Just In

Calendar

December 2024
M T W T F S S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Sharon, KC 2 taon nang may tampuhan

Vinia Vivar Dec 1, 2024
29 Views

Inamin ni Sharon Cuneta na malaki pa rin ang tampo niya sa anak nila ni Gabby Concepcion na si KC Concepcion.

Kinumpirma niya ito on stage sa last leg ng “Dear Heart US and Canada Tour” nila ni Gabby Concepcion sa Vancouver noong Nov. 29.

May nag-post ng mga video ng nasabing concert at isa na nga rito ay ang bahaging napag-usapan nina Sharon at Gabby ang kanilang nag-iisang anak.

Sa video ay mapapanood na sinasabi ni Gabby na sana ray kasama na nila next time sa concert si KC.

Sagot ni Sharon, “Kayo na lang muna.”

Sey ulit ni Gabby, “Mas maganda kung kasama natin siya.”

Sabi naman ng Megastar, “Maganda pero malakas ang tampo ko sa batang ‘yon.”

Hirit na naman ng aktor, “Siyempre, mas maganda kung dalawa kayong nandirito para at least naman, matuwa silang (audience) lahat.”

Sinagot naman ulit ito ni Shawie “Eh, di manonood ako.”

Pakiusap naman ni Gabo, “Magbati na kasi kayong dalawa.”

Na sinagot naman ni Sharon ng “Ay, hindi ako ang may issue. Huwag na nating pag-usapan. Two years na kaming estranged.”

Pero pahabol naman niya, “Oh, it’s okay. I love my daughter, I love her forever.”

Pagkatapos nito ay iniba na ni Gabby ang usapan.

Sa pinakahuling Instagram post ni Sharon ngayong araw, nag-upload siya ng larawan ng kanyang tatlong anak na babae na sina KC, Frankie at Miel.

Caption niya, “My present phone wallpaper… taken years ago… when all was right in my world.”

Sumagot si KC sa comment section ng “I love you mama.”

Matatandaan na noong nakaraang Mayo ay sinabi rin ni Sharon sa interview na two years na silang estranged ni KC.

Buong akala kasi ng marami ay nagkaayos na sila sa first “Dear Heart” concert dito sa Pilipinas noong October, 2023 kung saan nga ay nagyakapan pa silang mag-ina sa stage at nag-iyakan.

Apparently, after that concert ay hindi na nagkita pang muli ang mag-ina.

Kung ano ba talaga ang tunay na dahilan ng kanilang hindi pagkakaintindihan ay sila lang ang nakakaalam dahil never pa silang nagsalita tungkol dito.

Pero ever since ay alam naman din ng lahat ang away-bati nilang relasyon kaya umaasa ang kanilang fans na magkakaayos din sila.