Bautista

Shortage ng driver’s license card tapos na sa Setyembre—Bautista

Jun I Legaspi Jul 19, 2023
159 Views

MATATAPOS na umano ang kakulangan sa suplay ng driver’s license card sa Setyembre at maibibigay na ang tinatayang 130,000 unissued na lisensya sa mga drayber.

“Yung license natin we’re expecting delivery by next week, initially pakonti-konti lang ‘yan by September na-deliver na lahat ‘yung pending natin na dapat iisyu. As I have mentioned earlier and pending natin na hindi pa na-isyu na mga license ay nasa around 120 to 130,000 na,” ani Department of Transportation Secretary Jaime Bautista.

Ang mga drayber na nabigyan umano ng papel na lisensya ay maaari ng makuha ang kanilang plastic DL sa Agosto o Setyembre, ayon kay Bautista.

“Dati nagbigay tayo ng statement na almost 400-500,000 yung pending kasi isinama natin dito yung mga inextend natin up to October. Remember nung April 24 nagkaroon ng Memorandum Circular extending the validity of license expiring April 24 to October 31 by September pwede na natin iisyu ‘yung lahat ng mga license na ‘to,” dagdag pa ng kalihim.

Bukod sa mga pisikal na lisensya ay nagsimula na ring magamit ang electronic driver’s license (eDL) na maaaring makuha sa pamamagitan ng LTMS Portal.

“Ang magandang balita pa ay na-implement na rin natin ‘yung ating tinatawag na digital license, yung mga wala pa talagang hawak na physical, they can see their license doon sa kanilang portal,” sabi pa ng kalihim.

Sinabi ni Bautista na ang e-DL ay maaaring magamit na alternatibong identification cards.