Beadom

Si Dominic ang nakipag-break kay Bea?

Vinia Vivar Jun 20, 2024
24 Views

May kinalaman nga ba sa relihiyon sa paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque?

Matatandaan na kamakailan nga ay nagsalita si Bea na hindi siya ang nakipaghiwalay. Pero hanggang ngayon, palaisipan pa rin kung ano nga ba ang naging hindi pagkakaunawaan nila na humantong sa pagkakakansela ng kanilang kasal.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz, ito ang kanilang napag-usapan.

“Kay Bea na rin nanggaling na hindi siya ang nakipag-break, so, obviously ang iniisip ng mga tao ay si Dominic ang nakipag-break kay Bea,’ simula ni Ogie.

“According sa mga naririnig ko, eh, tama naman si Bea. Tama raw si Bea. Sabi ko, ‘bakit? Bakit tama si Bea?’” aniya.

He then revealed na ang gusto ni Dominic ay Christian wedding at gusto niyang magpa-convert si Bea.

“Kasi, ‘eto ‘yung senaryo. So, ang gusto raw ni Dominic ay Christian wedding. Kino-convince ni Dominic itong si Bea na mag-convert sa Christian,” ani Ogie.

“According sa mga naririnig ko, si Bea ay parang hindi pa siya convinced. So, wala pa raw sa kamalayan ni Bea ‘yung mag-convert bilang Christian,” dagdag niya.

Dahil nga sa hindi pagkakasundo ng magdyowa sa bagay na ito ay humantong umano sa hiwalayan ang kanilang engagement at nakansel ang kasal.

“So, lumalabas na hindi pa panahon para kay Bea raw na magpalit ng relihiyon kaya na-call off nga ‘yung wedding at ‘yun nga raw, si Dominic ay parang hindi makapayag, so wini-win back niya ngayon si Bea. Na si Bea ay parang nag-decide nang ‘wag nang ituloy, ayaw na rin niya,” saad pa ng talent manager/vlogger.

Pero ito lang naman daw ang nakakarating sa kanya at mas gusto pa rin niyang kina Dominic at Bea mismo manggaling ang paglilinaw tungkol dito.

As we all know, Catholic ang relihiyon ni Bea. Kwento pa nga ni Ogie, nagpatayo pa ang aktres ng chapel sa farm nito sa Zambales.

“Si Dominic naman ay sa pagkakakilala ko talaga, Christian talaga at ‘yun ang nasabi rin niya sa interview, gusto niya, Christian wedding,” tsika pa ni Papa Ogs.

Well, ang masasabi lang namin, true man o hindi, kung talagang meant to be sila ay magkakabalikan sila.

Ngayon, kung hindi naman, siguro ay hindi talaga sila para sa isa’t isa.