Atty. Jeff Coronel

Si Sara Laban sa Insurhensiya

Jeff Coronel Mar 30, 2022
306 Views
sara
Vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte
Kuha ni VER NOVENO

MAHIGIT dalawang dekadang naghasik ng takot at pangamba ang New People’s Army (NPA) sa Lungsod ng Dabaw, partikular na sa Distrito ng Paquibato at ilang mga malalayong barangay ng siyudad. Naging matagumpay ang pangulong Duterte na paalisin ang mga NPA sa siyudad at mula sa pagiging “Killing Fields of the South,” ang Davao ay ginawa niyang isa sa mga pinakaprogresibo at mapayapang lugar sa Mindanao.

Gayunpaman, hindi tuluyang nawala ang mga NPA sa siyudad at nagkuta sa mga bukirin ng lungsod. Ang Paquibato ang kilalang kuta ng mga rebelde at naghasik ng lagim sa buong lugar. Patuloy ang naging operasyon ng hukbong sandatahan ng Pilipinas upang masupil ito. Naging mahaba at masalimuot ang digmaan.

Abril 2017 ang tindero ng isda na si Larry Buenafe ay napatay ng mga NPA ng sumalakay sila laban sa pamilyang Lorenzo sa Brgy. Tigatto. Ito ay kasabay ng pagsunog ng Lapanday manufacturing site na ginawa ng mga rebelde laban sa mga Lorenzo.

Ang pangyayaring ito ang mas nagpasiklab ng pagnanais nuon ni Mayor Sara Duterte na tuluyan ng masupil ang mga NPA sa Davao City. Mas pinaigting ang pakikibaka sa mga NPA na naging rouge group matapos ang pagkamatay ni Commander Leoncio Pitao alyas Ka Parago noong 2015. Sunod sunod ang naging operasyon laban sa grupo na kamakailan lamang ay tinuring ng terorista ng pamahalaan.

Nito lamang Marso 22, idineklara ng Philippine Army 10th Infantry “Agila” Division (10ID) na tuluyang ng napuksa at wala ng mga rebelde sa Davao City. Matapos ang ilang dekada ng digmaan, tuluyan ng natapos ang paghahari ng takot sa mga bukirin ng Davao.

Malaking instrumento sa tagumpay na ito ay ang programa ng Davao City laban sa insurhensiya. Kasabay ng mga aktibidad ng NTF-ELCAC, ang Peace 911 na binuo ni Mayor Sara Duterte ang mas nagpalakas ng paglaban sa mga rebelde.

Ang Peace 911 ay ginawa upang matugonan ang mas malalim na pangagailangan, hindi lamang ng mga lugar na apektado ng insurhensiya, kundi ng mga mamamayan at mga kaanib ng mga rebelde na nais nang magbagong-buhay.

Sunod-sunod na mga pagsuka ng mga kasapi ng hanay ng NPA ang nangyari sa Davao kasunod ng mga programa na nagbibigay insentibo sa mga rebeldeng gusto ng bumalik sa ilalim ng pamahalaan. May mga trainings, psychosocial interventions, pagbibigay puhunan, at pabuhay na binigay sa mga sumuko upang makapagsimula ng bagong buhay. Hindi makakailang naging malaking bagay ito upang makumbinse ang mga namundok na bumaba at sumuko.

Kinilala din ng Peace 911 ang mga pangangailan ng mga lugar na apektado ng insurhensiya at tinugonan ang mga ito. Ang kawalan ng hanapbuhay at talamak na kahirapan ang nagtutulak sa iilan na mag-alsa, kaya kasama sa programa ang pagbibigay ng livelihood trainings and assistance sa mga nasa Paquibato area at mga lumad. Nagbigay ng edukasyon ang mga nakararami tungkol sa mga programa ng gobyerno. Pinuntahan din at pinalago ang mga malalayong barangay at sitio na dating pinagkukutahan ng mga rebelde upang maipadama sa mga mamamayan na buo ang puso ng lokal na pamahalaan ng Dabaw sa pagtulong sa kanila.

Ang Peace 911 ni Mayor Sara Duterte ay isang halimbawa ng pangkalahatang paglaban sa insurhensiya. Hindi lamang lakas ng mga sundalo at mga armas ang nagiging basehan upang maipanalo ang laban subalit ang pagtugon sa mga pangangailangang nagiging ugat ng pag-aalsa.

Pinakita ng Peace 911 na ang liderato ni Mayor Sara Duterte ay matibay at matapang ngunit may puso. Isa siyang lider na tumitingin at tumutogon sa mga ugat ng problema at hindi lamang gumagawa ng mga pansamantalang solusyon.