Andi1

Sinasabing third party sa Andi-Philmar breakup nanghingi ng ‘kindness’

Vinia Vivar Feb 9, 2025
50 Views

Nagsalita na si Pernilla Sjöö, ang Swedish underwater photographer na nauugnay ngayon sa partner ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo.

Matatandaang sa mga post ni Andi nitong nakaraang mga araw ay inihayag niya ang problema sa relasyon nila ni Philmar at mayroon siyang tinutukoy na friend na nag-betray sa kanya.

Base sa post ni Andi, ang friend niyang ito ang nag-encourage kay Philmar na magpalagay ng matching tattoo sa braso nila.

Lumalabas din na ang friend niyang ito ang dahilan ngayon ng away nina Andi and Philmar.

Hinala ng netizens, si Pernilla ang tinutukoy ni Andi matapos lumabas ang larawan ng nasabing foreigner at ni Philmar na ipinapakita ang kanilang matching tattoo.

Kaya naman katakot-takot na pangba-bash ang natatanggap ngayon ni Pernilla at tinatawag siyang home wrecker at kung ano-ano pang masasakit na salita.

Sa kanyang Facebook page ay inihayag ni Pernilla ang kanyang saloobin at nakiusap na huwag naman siyang i-bash.

“I just don’t understand why some people have so much hate in their minds and bodies. I hope that if you ever make a hurtful comment, you can still sleep peacefully at night and smile knowing you’ve caused someone pain.
I’m still human din naman. I still feel hurt, and when it’s too much, it cuts deep,” pahayag ng Swedish national.

“I hope you never become the reason someone cries themselves to sleep or questions their worth — asking why they weren’t good enough,” saad pa niya.

Sinabi rin niyang sana ay maging “kind” naman ang netizens.

“We’re all going through something. Can we at least try to be kinder to one another?” aniya.

“Never judge someone without knowing the whole story. You may think you understand, but you don’t,” pagtatapos pa ni Pernilla.

Ang hinihintay ng lahat ay ang diretso sanang pag-address niya sa akusasyong ipinupukol sa kanya o paglilinaw man lang sa matching tattoo nila ni Philmar, pero walang nabasa ang publiko tungkol dito.

Kaya naman hindi solved ang netizens sa kanyang statements at patuloy pa rin siyang bina-bash.