Calendar
Singapore-Pilipinas papalakasin ang ugnayan
NAKATAKDANG bumisita sa Pilipinas, Agosto 15 si Singapore President Tharman Shanmugaratnam at asawang si Mrs. Jane Yumiko Ittogi.
Mismong sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos ang sasalubong sa presidente ng Singapore sa Palasyo ng Malakanyang.
Tatlong araw na mananatili sa bansa ang lider ng Singapore para sa kanyang state visit.
Ayon kay Pangulong Marcos, layunin ng pakikipagpulong sa lider ng Singapore na paigtingin pa ang ugnayan ng dalawang bansa.
Palalakasin pa ni Pangulong Marcos ang kopperasyon sa bilateral at multilateral milieus, kabilang na sa sektor ng enerhiya, healthcare at iba pa.
Bukod sa bilateral meeting, sasaksihan ng dalawnag lider ang paglagda sa memoranda of understanding (MOU)s sa pagkuha ng Singapore sa Filipino healthcare workers at kolaborasyon sa climate financing.
Ito ang unang pagkakataon na bibisita sa bansa si President Shanmugaratnam mula nang mahalal sa puwesto.
Huling bumisita sa bansa na lidewr ng Singapore ay si Halimah Yacob noong 2019.
Nagsimula ang diplomatic relations ng dalawang bansa noong May 16, 1969. Ipinagdiwang ng Pilipinas at Singapore ang 55th year ng diplomatic ties ngayong taon.