FL Marcos Pinangunahan nina First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos at House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang groundbreaking ng West Visayas State University Medical Center (WVSUMC) expansion project para sa pagpapatayo ng state-of-the-art 15-story tower complex para matugunan ang lumalaking pangangailangan sa healthcare ng Visayas at Mindanao. Kasama nila sina Deputy Majority Leader at loilo 1st District Janette Garin, Commission on Higher Education at WVSU Board of Regents Chairman Prospero De Vera, mga government officials at iba pang stakeholders.Kuha ni VER NOVENO

Sinimulan na expansion ng WVSUMC sinimulan para mas maraming pasyente maserbisyuhan

Mar Rodriguez Apr 27, 2024
142 Views

FL MarcosOPISYAL ng nagsimula ang paggawa para sa expansion ng West Visayas State University Medical Center (WVSUMC) na naglalayong paramihin ang mga pasyenteng natutulungan nito hindi lamang sa Visayas kundi maging sa Mindanao.

Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, na nanguna sa isinagawang groundbreaking ceremony, na isa itong legacy ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na pakikinabangan ng maraming henerasyon.

Inihalintulad ni Speaker Romualdez ang expansion project sa “planting the seeds for future excellence in healthcare education and delivery in the Visayas and beyond.”

“This facility is poised to become a critical hub for medical training, addressing the growing demand for healthcare professionals equipped to handle future health challengesExpansion ng WVSUMC para mas maraming pasyente ang maserbisyuhan sinimulan,” ani Speaker Romualdez sa groundbreaking ceremony na dinaluhan din ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Kinilala ni Speaker Romualdez ang Unang Ginang sa naging papel nito upang mailatag ang legasiya ng administrasyong Marcos, na naniniwala na ang bawat buhay ay mahalaga.

Nagpasalamat si Speaker Romualdez kay House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin sa pag-organisa ng event.

Ang WVSUMC ay gaya ng Philippine General Hospital (PGH) ng Metro Manila na kilala sa mahusay na serbisyong hatid nito. Ang ospital ay nagbibigay din umano ng oportunidad sa mga medical practitioner na lalo pang pagbutihin ang kanilang kakayanan.

Isang 15-palapag na state-of-the-art tower complex ang itatayo sa ilalim ng proyekto na nagkakahalaga ng P2.57 bilyon.

Ang expansion ay naglalayong dagdagan ang bed capacity ng ospital ng 352 bukod pa sa general at specialty healthcare treatment at diagnostic services, medical education, training, at support facilities.

Ang konstruksyon ay hinati-hati at ang unang phase ay mula Abril 2024 hanggang Agosto 2025. Target na matapos ang proyekto sa Disyembre 2030.

Noong nakaraang buwan, ay sinimulan na rin ang konstruksyon ng 20-palapag na Cancer Center building sa Quezon City, na daragdag sa medical complex na itinayo noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ang medical complex ay binubuo ng National Kidney and Transplant Institute, Philippine Heart Center, Lung Center, at Philippine Children’s Medical Center.

Pinasalamatan din ni Speaker Romualdez sina House Committee on Appropriations Chairman Zaldy Co ng Ako Bicol Partylist at House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin sa paghahanap ng pondo upang matupad ang WVSUMC expansion.

May inilaang P500 milyon para sa unang yugto ng proyekto sa ilalim ng General Appropriations Act of 2023.

Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang iba pang kongresista na nagbabantay umano upang matiyak na tama ang pinatutunguhan ng pondo ng gobyerno.

Dumalo rin sa event sina Iloilo Reps. Michael Gorriceta (1s District), Ferjenel G. Biron (4th District), Raul C. Tupas (1st District), at Julienne L. Baronda (Iloilo City, Lone District), Uswag Ilongo Partylist Rep. Jojo Ang, at Usec. Terrence Calatrava Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV).

“This is teamwork, and this is all because of the direction set by President Ferdinand R. Marcos, Jr.,” sabi Speaker Romualdez.

Kinilala rin ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro ang WVSU sa pangunguna ni Dr. Joselito Villaruz.

“Your efforts make the daunting task of safeguarding Filipino health that much easier,” saad pa ni Speaker Romualdez.

Dumalo rin sa groundbreaking ceremony sina Commission on Higher Education at WVSU Board of Regents Chairman Prospero de Vera, Iloilo Governor Arthur Defensor, Jr., Iloilo City Mayor Jerry Treñas, at ilan pang opisyal ng gobyerno at mga stakeholder.

Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na maging handa at makaisip ng mga pagbabago para mas maging epektibo ang healthcare service ng bansa.

“Let’s nurture this endeavor, which promises to enhance healthcare services and education significantly. Together, we will watch this institution rise as a symbol of our collective commitment to improving the health and well-being of our community,” punto nito.

Ang WVSUMC ay pangunahing ospital sa Western Visayas na nagbibigay ng healthcare service sa mga pasyente, medical education, at training sa mga estudyante.