Sam sa breakup kay Catriona: It’s been rough
Mar 4, 2025
SLI sa Batangas nakorner sa dalang boga, shabu
Mar 4, 2025
Calendar

Health & Wellness
Sinovac pinayagan ng DOH na gamitin para sa 6-17 anyos
Peoples Taliba Editor
Oct 19, 2022
240
Views
PINAYAGAN ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng CoronaVac, ang bakuna ng kompanyang Sinovac laban sa COVID-19, para sa mga edad anim hanggang 17.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergerie batay ito sa rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) na siyang nagsagawa ng pag-aaral.
Nauna ng pinayagan ang paggamit ng bakuna ng Moderna para sa mga edad 6 hanggang 11.
Ang bakuna naman ng Pfizer ay ginagamit na rin para sa mga edad 5 hanggang 11.
Halos 5.2 milyong bata na sa bansa ang fully vaccinated laban sa COVID-19.