Sara

Social services program inilarga ni VP Sara

132 Views

NAGSIMULA ng mamigay ng medical at burial assistance sa publiko ang mga satellite office ng Office of the Vice President.

Binuksan ni Vice President Sara Duterte ang mga satellite office nito noong Hulyo 1 upang mailapit sa tao ang serbisyo ng gobyerno, ayon kay Atty. Reynold Munsayac, tagapagsalita ng bise presidente.

Upang makakuha ng medical o burial assistance ay kailangang magtungo sa satellite office at magsumite ng application form.

Ang mga OVP satellite office ay matatagpuan sa Dagupan, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao at Tandag sa Surigao del Sur.

Sinabi ni Munsayac na posibleng madagdagan pa ang mga satellite office sa hinaharap upang mas marami ang matulungan.

Ang medical at burial assistance program ay pinopondohan ng General Appropriations Act.