BBM

Solar project sa Isabela pinuri ni PBBM

249 Views

PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 440-megawatt (MW) peak Isabela Solar Power Project na magpapataas sa paggamit ng renewable energy ng bansa.

Isang briefing ang ibinigay ng San Ignacio Energy Resources Development Corp. (SIERDC) kay Pangulong Marcos kaugnay ng kanilang P18-bilyong proyekto.

Ang SIERDC ay bahagi ng Nextnorth Energy Group na nasa likod ng mga solar at hydro project sa Northern Luzon.

Sisimulan ng kompanya ang pagtatayo ng solar power plant sa 400-hektartang lupa sa Ilagan City, Isabela sa susunod na taon. Inaasahan na magsisimula ang operasyon nito sa 2025.

Ang planta ay makalilikha umano ng 700 gigawatt-hours kada taon na kasing laki ng konsumo ng 1 milyong pamilya.

Nasa 2,200 trabaho naman ang malilikha ng proyekto.

Ang naturang kompanya ay mayroon ng naitayong 60-MW solar photovoltaic (PV) sa Tarlac.