Calendar
Solarization top priority sa Limay
LIMAY, Bataan–Sinimulan ng kabitan ng mga solar panels ang Limay Elementary School at SF II Elementary School sa bayang ito upang makatipid sa konsumo ng kuryente.
Isinulong ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Sarah David at Sangguniang Bayan Members at Tourism Chairperson Grace David ang solarization ng dalawang public school.
“Layunin ng programa na ito na pababain ang konsumo ng kuryente ng bawat eskwelahan dahil ito nakatakdang kabitan ng mga aircondition units.
Ang mga paaralan maaaring makinabang nang malaki mula sa mga solar panels sa pamamagitan ng pagtitipid sa gastos at pagpapanatili ng kapaligiran,” ayon sa mayor.
Pinaliwanag ni Mayor David na ang edukasyon ang isa sa mga prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Limay.
“Kayo po ay makakaasa na patuloy naming tututukan para sa ikagaganda at ikaaangat ng kalidad ng edukasyon sa ating bayan,” dagdag ng mayor.