Alfred Vargas

Solon pinuri mga napiling miyembro ng Gabinete ni PBBM

Mar Rodriguez May 30, 2022
208 Views

IKINAGALAK ng isang Metro Manila solon na mahusay at magaling ang mga napiling Gabinete ni President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Matapos nitong ilarawan na hindi matatawaran ang kakayahan ng mga taong ito sa larangan ng serbisyo publiko.

Sinabi ng dating aktor at Quezon City 5th Dist. Rep. Alfred Vargas na ang mga “appointees” ni Marcos ay nagpapakita lamang na nasa mabuting kamay ang mamamayang Pilipino.

Ipinaliwanag ni Vargas na malaki ang maitutulong ng mga napiling Gabinete para tulungan ang susunod na Pangulo na matupad ang lahat ng ipinangako nito noong nakalipas na halalan.

Bukod dito, naniniwala din ang kongresista na makakatulong din ang mga miyembro ng Gabinete ni Marcos para tugunan ang mga problemang maaaring kaharapin ng bansa.

“The appointments give us confidence that the Filipino people will be in good hands. This is Cabinet that will help our President-Elect fulfil his promises to our countrymen and address whatever challenges may lie ahead,” sabi ng mambabatas.

Sinabi pa ni Vargas na ang ilan sa mga napiling miyembro ng Gabinete ay nakasama na rin nito sa Kamara de Representantes. Kaya ginagarantiyahan nito na may kredibilidad at mahuhusay ang mga taong ito.

“Having known and worked with most of them in Congress and in my advocacies. I know that the incoming Cabinet will be an excellent and credible team composed of men and women who are forward-looking, pro-active and competent,”sabi pa ni Vargas.