Calendar
Speaker Dy: Determinado kaming ipasa Anti-political dynasty bill
BINIGYANG-diin ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na determinado ang Kamara de Representantes na isulong at ipasa ang Anti-Political Dynasty Bill.
Kumpiyansa ang House Speaker na maipapasa ang panukalang batas sa kabila ng maraming angkan at pamilya ang maaaring maapektuhan, kabilang na siya, dahil sa ilang kamag-anak at sariling kadugo ang kasalukuyang nakapuwesto sa kanilang lalawigan sa Isabela.
Sinabi ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na maipapasa ang panukalang Anti-Dynasty Bill na naglalayong gumawa ng batas para maipatupad ang anti-political Dynasty provision sa 1987 Philippine Constitution.
Nauna nang ipinahayag ni Dy ang kahalagahan ng opinyon o input mula sa publiko para alamin ang kanilang saloobin tungkol sa Anti-political dynasty law dahil hangad ng Kongreso na makabuo ng balanseng panukala sa pamamagitan ng diyalogo sa mga mamamayan.

