Calendar
Nanakit sa babaeng OFW sa Singapore dapat panagutin–party list
NANANAWAGAN ang OFW Party List sa mga opisyal ng Philippine embassy sa Singapore na imbestigahan at papanagutin ang dayuhang lalaki na nananakit ng isang babaeng overseas Filipino Worker (OFW) sa mall doon noong Pebrero 8.
Kinondena ni dating OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang insidente na kitang-kita sa video na nanuntok at nanipa ang dayuhang lalaki ang ng kaawa-awang OFW.
Nananawagan ang dating solon sa Department of Migrant Workers (DMW) na makipagtulungan sa Philippine Embassy sa Singapore para alamin ang kalagayan ng nagulping Filipina.
“Nong mapanood ko nga ang video talagang naiyak ako para doon sa kababayan natin na walang awang binugbog at sinipa nong dayuhang lalaki.
At the same time ay nagalit ako dun sa lalaking iyon dahil hindi gawain iyon ng isang disente at matinong tao, nakadapa na sinisipa mo pa. Grabe talaga, hindi makatao ang ginawa sa ating kababayan,” pahayag ni Magsino.
Sinabi din ni Magsino na mahalagang makapag-abot ng tulong o assistance ang pamahalaan sa biktimang OFW kabilang dito ang financial at legal assistance sakaling mapag-desisyunan nitong magsampa ng kaso laban sa lalaki.
