Dy

Speaker Dy nananawagan ng pagkakaisa

Mar Rodriguez Dec 2, 2025
199 Views

Dy1π—›π—œπ—‘π—œπ—›π—œπ—Ÿπ—œπ—‘π—š ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa mga kongresista kasama na ang libo-libong kawani ng Kamara de Representantes na magkaisa para matagumpay na maisulong ang mga nararapat na reporma sa ating bansa kasunod ang pagbabalik ng tiwala ng mamamayan sa pamahalaan.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Dy na mula ng pamunuan nito ang pagiging Speaker of the House napakalaking hamon at problema umano ang kaniyang hinarap. Subalit sa kabila ng mga ito, hindi aniya siya nagpatinag at buong katatagang sinulusyunan ang mga suliraning nakaatang sa kaniyang balikat.

“Ilang buwan pa lamang ang nakalilipas mula nang pagkatiwalaan tayo ng mga kasamahan natin dito sa Kongreso na pamunuan ang Kamara. Sa totoo lang, napakalaki ng hamon at problemang nadatnan natin, subalit sa kabila ng mga problemang ito. Hindi tayo nagpatinag dahil alam kong hindi ako nag-iisa, kasama ko kayo, kasama ko ang tapang, talino at puso ng bawat kongresista at ang bawat empleyado ng Kongreso,” wika ni Dy.

Sinabi pa ng House Speaker na malinaw aniya ang hamon sa kanilang lahat. Ito ay ang magkaisa at magkatulungan kung saan kailangan din isantabi ang pangsariling interes alang-alang sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Hinamon din ni Dy ang kaniyang mga kasamahan sa Kamara na huwag magpadala sa ingay ng politika at sa mga kumakalat na alingasngas o maling impormasyon na lalo lamang nagdudulot ng ligalig sa ating bansa.