Madrona

Panukalang cruise tourism pinaboran ng House Committee on Tourism

Mar Rodriguez Dec 2, 2025
388 Views

Madrona1π—•π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š Chairman ng House Committee on Tourism, pabor si Romblon Lone District Representative Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona sa panawagan ng Senado sa pamahalaan na dapat pagbutihin ang mga imprastraktura sa iba’t-ibang lalawigan upang maging sentro ito ng “cruise tourism” na makakatulong para sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bawat probinsiya.

Naniniwala si Madrona na ang pagsasa-ayos sa mga imprastraktura ang magbibigay ng malaking oportunidad para lumago ang ekonomiya ng bawat probinsiya dahil maraming dayuhang turista ang mae-engganyong bumisita o mamasyal sa nasabing lugar sa pamamagitan ng cruise tourism.

Kinatigan din ni Madrona ang opinyon ng Senado na dapat samantalahin ng Pilipinas ang cruise tourism at konektadong transportasyon bilang isang pamamaraan para makalikha ng maraming trabaho kasunod nito ang paglago ng ekonomiya ng bawat rehiyon dahil sa pagpasok ng mga dayuhang turista.

Pagbibigay diin ng kongresista na kung maisasa-ayos ng pamahalaan ang mga kalsada, paliparan at pantalan sa mga probinsiya. Hindi lamang nito mabibigyan ng trabaho ang mga mamamayan sa lalawigan bagkos malaking ganansiya din ang magiging pakinabang ng mga lokal na pamahalaan.

Para sa mga Senador, ang pagkakaroon ng cruise tourism sa iba’t-ibang lalawigan ay makakalikha ng maraming trabaho. Subalit sa panananaw naman ni Madrona,ito ang magpapaunlad sa ekonomiya hindi lamang sa mga lalawigan, bagkos sa buong bansa.

Kasabay nito, nagsagawa ng 2nd Regular Meeting ang Committee on Tourism para talakayin ang tinatayang 11 panukalang batas na inaprubahan sa ikatlong pagbasa noong 19th Congress.

Sinabi ni Madrona na ang labing isang panukalang batas ay naglalayong maideklara ang ilang lugar sa Pilipinas bilang isang tourism / ecotourism sites na inaprubahan ng Committee on Tourism bago isinalang sa Plenaryo ng Kamara de Representantes.