Calendar
Speaker Dy pinuri sa mahusay na pamumuno
PINURI ng House leadership ang mahusay na pamumuno ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na nakapaloob sa inihaing resolution na nagbibigay pugay sa kaniya dahil sa pagkakaroon ng matatag, nagkakaisa at may-layuning pamumuno.
Sa House Resolution (HR) 1093, binigyang pugay nina House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos at House Minority Leader at 4Ps Party List Rep. Marcelino Libanan ang pamamahala ni Dy sa Kamara.
Layunin ng HR No. 1093 na purihin si Dy “para sa kanyang matatag, nagkakaisa, at may-layuning pamamahala sa Kapulungan ng mga Kinatawan noong Unang Regular na Sesyon ng Ika-dalawampung Kongreso.”
Isinaad sa nasabing resolusyon na ginabayan ni Dy ang Kamara de Representantes sa isang maayos na transisyon habang tinitiyak na ang gawaing pang-lehislatura ng Mababang Kapulungan ay nagpatuloy nang walang naantala.
“Si Speaker Dy ay pinipiling panatilihin ang isang simpleng imahe at kalmadong awtoridad na namumuno hindi sa pamamagitan ng karangyaan, kundi sa pamamagitan ng isang madaling lapitang pagkatao na nagpapakita ng respeto at kahinahunan at nagtataguyod ng kapaligiran ng tunay na pagkakaisa,” nakasaad sa inihaing resolusyon.
Binigyang-diin sa panukala ang mga resulta ng survey na nagpapakita ng patuloy na tiwala ng publiko sa Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Dy.
Binanggit nito ang isang pambansang survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. mula Mayo 20 hanggang 25, 2026 na nagpakita na ang Kamara ay nakapagtala ng Index of Governance (IOG) na 62.2 porsyento, kasabay ng mga rating sa tiwala at pagganap na 61.8 porsyento at 62.7 porsyento, ayon sa pagkakasunod.
Naisaad din sa resolusyon na ang House Speaker mismo ang nagtala ng pinabuting marka ng IOG na 58.1 porsyento, na nagpapakita ng 3.1-percentage-point na pagtaas mula sa sarbey noong Abril 2026.
Binanggit sa resolusyon na sa mga panukalang kasama sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) Common Legislative Agenda, apat ang naghihintay ng aksyon ng bicameral conference committee, 18 ang naaprubahan na sa ikatlong pagbasa, at tatlo

