Martin

Speaker Romualdez binigyan ng solid 10 si PBBM sa performance

97 Views

BINIGYAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng perfect score si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa kanyang performance bilang pinuno ng bansa, mula noong kanyang huling State of the Nation Address (SONA) Hulyo ng nakalipas na taon.

“I would grade the President’s performance at a solid 10 out of 10. Over the past year, he has demonstrated strong leadership and made significant strides in delivering on his promises from the last SONA,” ani Speaker Romualdez.

“While there is always room for improvement, his dedication and achievements thus far are truly noteworthy,” ayon sa pinuno ng Kamara na may higit sa 300-miyembro ng mga kinatawan.

Umaasa din si Romualdez na mas magiging mabuti ang pagtutulungan ng Kamara at Senado na nasa ilalim ng pamumuno ni Senate President Francis Escudero.

“We anticipate a strong collaborative relationship with the new Senate leadership under Senate President Chiz Escudero. This partnership is crucial for the smooth passage of pending legislation,” ayon sa mambabatas.

“We are confident that our cooperative efforts will lead to the successful enactment of key legislative measures,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara.

Binanggit pa ni Speaker Romualdez na patuloy na bibigyang tuon ng Kamara ang pagpapatibay ng mga kinakailangang panukala, bago ang nalalapit na halalan sa ika-25 ng Mayo.

“We are committed to maintaining legislative momentum despite the approaching national elections in 2025,” ayon pa kay Speaker Romualdez.

“Our priority is to ensure that critical bills are passed and that the legislative process continues to serve the people’s needs effectively. We will navigate the political landscape with a focus on stability and progress,” dagdag pa ng mambabatas.