Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Speaker Martin G. Romualdez Ayon kay Speaker Martin G. Romualdez ang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at chairman ng National People’s Congress ng China na si Li Zhanshu ay isang magandang hakbang upang magkaroon ng positibong relasyon hindi lamang ang lehislatura ng Pilipinas at China kundi maging ng mga lider at policy maker ng bansa.

Speaker Romualdez: High level meeting ni PBBM, China NPC chair nagbukas ng mga oportunidad

152 Views

NAGBUKAS umano ng mga oportunidad para sa kooperasyon ang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at chairman ng National People’s Congress ng China na si Li Zhanshu, ayon kay Speaker Martin G. Romualdez.

“So, that’s why we will look forward to the invitations that have actually been extended in the previous years but due to COVID, it did not materialize,” sabi ni Romualdez.

Ayon kay Romualdez ang pagpupulong ng Pangulo at China NPC chair ay isang magandang hakbang upang magkaroon ng positibong relasyon hindi lamang ang lehislatura ng Pilipinas at China kundi maging ng mga lider at policy maker ng bansa.

“But now that China is opening up this year, we look forward to seeing these some engagements and these exchanges between the Congress of China and the Congress and Senate of the Philippines come to fruition in the year 2023,” dagdag pa ni Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na anumang kabutihang-loob ang nakuha ni Marcos sa mga lider ng gobyerno ng China ay nagpalalim sa relasyon ng dalawang bansa.

Naniniwala si Romualdez na makatutulong din ito sa mga darating na buwan lalo ngayon na bumabangon ang mga bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Si Marcos ay nasa China para sa isang state visit mula Enero 3 hanggang 5. Kasama sa opisyal na delegasyon ng Pangulo si Romualdez.

Nais ng Pangulo na palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng agrikultura, enerhiya, imprastraktura, pamumuhunan, kultura, at science and technology.