Sim

Nairehistrong SIM nasa 11M na—DICT

86 Views

UMABOT na sa 11.2 milyon ang bilang ng mga SIM card na naireistro na ng mga may-ari, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Batay sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC) hanggang noong Enero 2, 2023 ay 11,219,722 na ang nagrehistro ng SIM card mula Disyembre 27, 2022.

Ang Smart umano ang may pinakamataas na bilang ng nagrehistro na umabot sa 5,172,061.

Ang Globe ay may 5,030,649 at ang DITO ay 1,017,012.