Martin1 Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Speaker Romualdez iginiit kahalagahan ng kababaihan sa pag-unlad ng bansa

Mar Rodriguez Mar 2, 2025
24 Views

Martin2NAKIISA si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pagdiriwang ng Women’s Month at kinilala ang kahalagahan ng mga kababaihan at pagsusulong ng mga hakbang patungo sa pagkakaroon ng gender equality at women empowerment.

“This Women’s Month, we celebrate the strength, resilience, and invaluable contributions of Filipino women who continue to shape our nation. Whether as mothers, educators, workers, entrepreneurs, or leaders, their dedication is the backbone of our society,” ani Speaker Romualdez.

Ipinahayag ng pinuno ng 306-miyembrong Mababang Kapulungan na higit pa sa pagkilala, ang Women’s Month ay isang panawagan upang alisin ang mga hadlang at lumikha ng mas maraming oportunidad para sa kababaihan sa lahat ng sektor.

“But this celebration goes beyond recognition—it is a call to action. We must continue breaking barriers, ensuring equal opportunities, and empowering women in every sector,” punto ni Speaker Romualdez.

“The House of Representatives remains committed to enacting laws that protect women’s rights, eliminate discrimination and violence, and promote their leadership in governance and nation-building,” dagdag pa nito.

Binanggit ni Speaker Romualdez ang matagal nang papel ng kababaihan sa paghubog ng kasaysayan at pag-unlad ng bansa, mula sa kanilang kontribusyon sa tahanan hanggang sa pamumuno sa mahahalagang industriya at pamahalaan.

“Sa bawat yugto ng ating kasaysayan, hindi matatawaran ang ambag ng kababaihan. Mula sa tahanan hanggang sa larangan ng ekonomiya, edukasyon, politika, at serbisyo publiko, sila ang nagbibigay-lakas at malasakit sa ating lipunan. Ang kanilang talino, sipag, at determinasyon ay pundasyon ng ating patuloy na pag-unlad,” saad ng Speaker.

Habang kinikilala ang mga hakbang na nagtataguyod ng karapatan ng kababaihan, sinabi ni Speaker Romualdez na marami pang kailangang gawin upang matiyak na bawat babae ay may kalayaang maabot ang kanyang buong potensyal.

“Marami na tayong naabot sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay, ngunit marami pang kailangang gawin. We will not stop until every woman has the freedom to dream, achieve, and succeed without limits,” wika pa ni Speaker Romualdez.

Tinapos niya ang kanyang mensahe sa pagsasabing ang pagpapalakas ng kababaihan ay nagpapalakas din sa mga pamilya, komunidad at sa buong bansa.

“Because when we empower women, we uplift families, strengthen communities, and secure a better future for all. Mabuhay ang kababaihang Pilipino! Happy Women’s Month!” dagdag pa ni Speaker Romualdez.