Martin1

Speaker Romualdez ipinagpasalamat pagpapalaya kay Babadilla

Mar Rodriguez Nov 29, 2023
108 Views

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Miyerkules ang administrasyong Marcos sa pagsusumikap nito na masiguro ang ligtas na pagpapalaya kay Noralyn Babadilla mula sa pagkakabihag dito sa kaguluhan sa Middle East

“Our gratitude is beyond words. Nevertheless, this means the government is doing its best to rescue any OFW from harm’s way. Our goal is for them to be safe and, if possible, to be reunited with their families back home,” saad ni Speaker Romualdez, lider ng mahigit 300 mambabatas ng Kamara.

Pinasalamatan din niya ang pamahalaan ng Israeli, Egypt, at Qatar para sa kanilang malaking papel para maisakatuparan ang pagpapalaya kay Babadilla.

Si Babadilla at ang caregiver na si Gelienor “Jimmy” Pacheco ay dinukot ng grupong Hamas noong Oktubre 7. Si Pacheco ay pinalaya noong nakaraang linggo habang si Babadilla ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Israel na.

Kapwa pinalaya ang dalawang Pilipino kasunod ng tigil-putukan ng Israel at Hamas.

Si Pacheco, 49-anyos at tubong Ilocos Norte ay kasalukuyang nananatili sa isang hotel at inaasahang makakabalik sa Maynila bago mag-Pasko, ayon sa embahada ng Pilipinas sa Tel-Aviv

Si Pacheco ay kabilang sa mga unang grupo na dinukot ng Hamas at pinalaya bilang bahagi ng prisoner exchange at truce agreement ng Israel at Palestinian militant group na Hamas.