Romualdo

Speaker Romualdez ‘laser-focused’ sa pagpasa ng mga panukalang makapagpapabuti sa mga Pinoy—solon

197 Views

ANG magandang ipinakita ng Kamara de Representantes sa unang regular session ng 19th Congress ay dahil umano sa ‘laser-focused’ na pagtatrabaho ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez upang maipasa ang mga panukala na makabubuti sa mga Pilipino alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Camiguin Rep. Jurdin Jesus M. Romualdo nakita ng mga kongresista ang work ethics ni Speaker Romualdez kaya sinuklian nila ito ng pagsusumikap na nagresulta sa pagpasa ng mga mahahalagang panukala at pagproseso sa 9,600 panukalang inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“The only politics Speaker Romualdez engages in is the politics of completion, the accomplishment of the legislative goals the Marcos administration set, which he excellently executes by faithfully fulfilling his mandate both as an ordinary lawmaker and as a great leader of the House of Representatives,” ani Romualdo.

“Kaya nga napaka-productive ng House nung naging Speaker siya. He is not easily derailed by political distraction. ‘Yung pace at bilis niya ang sinusundan namin. At pag masipag at passionate ang Speaker lalo na sa pagpasa ng priority legislation, talagang napakaraming magagawa ang Kongreso,” dagdag pa ng kongresista.

Sa ilalim ng liderato ni Romualdez, naipasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang 33 sa 42 panukala na prayoridad na maisabatas ni Pangulong Marcos at ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Ang mga panukalang ito ay kasama sa 577 panukala na natapos ng Kamara sa loob ng 10 buwan o bago nag-adjourn ang unang regular session ng 19th Congress noong nakaraang buwan.

“He was an effective Majority Leader in the 18th Congress, when he served the Filipino people by being part of the House leadership that passed laws needed to address the adverse effects of the pandemic. This experience made him a much greater leader now that he is Speaker,” sabi pa ni Romualdo.

Ayon kay Romualdo si Speaker Romualdez ang isa sa pinakamatalino, masipag, at masiglang lider na kanyang nakita sa buong karera nito sa pulitika.

“Napakasipag ng aming Speaker, walang event o meeting na hindi pinapaunlakan basta pasok sa schedule niya, kahit na galing pa sa minority o oposisyon ang imbitasyon. And he makes it a point to be at the House plenary when we approve measures on final reading, lalo na kung priority ito ng administrasyon,” sabi pa ni Romualdo.

“We wonder where he gets this seemingly unending amount of energy. That is why we believe that he is an effective leader, when he can get things done in the House of Representatives and still attend to his other duties as Speaker that we know is physically taxing,” dagdag pa ng kongresista.