Martin

Speaker Romualdez nagpasalamat kay PBBM dahil kay Veloso, tiyak na proteksyon sa OFWs

Mar Rodriguez Nov 20, 2024
66 Views

VelosaBBMIPINAHAYAG ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang taos-pusong pasasalamat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa matibay na diplomatikong pagsisikap na nagresulta sa pagbabalik ni Mary Jane Veloso, ang Pilipinang manggagawang umabot ng 14 na taon sa death row ng Indonesia.

Inanunsyo ni Pangulong Marcos Jr. nitong Miyerkules ng umaga na makakauwi na si Veloso. Sa isang pahayag, binigyang-diin ng Pangulo ang dedikasyon ng pamahalaan na protektahan ang mga Pilipino sa ibang bansa at ipinaliwanag ang mahabang proseso ng negosasyon na humantong sa paglaya ni Veloso.

Naghatid ang balitang ito ng matinding kasiyahan at kaluwagan, lalo na sa pamilya ni Veloso sa Nueva Ecija.

“I commend President Ferdinand R. Marcos Jr. for his resolute leadership and compassionate heart in bringing Mary Jane home. This achievement highlights the President’s firm commitment to protecting and upholding the rights of our overseas Filipino workers, even in the most difficult of circumstances,” ani Speaker Romualdez.

“His determination to engage in meaningful diplomacy reflects the government’s priority to put our people’s welfare above all else,” dagdag pa niya.

Binanggit din ng House Speaker ang walang sawang pagsisikap ng pamilya ni Veloso at ng mga tagapagtaguyod na walang pagod na kumilos para mailigtas ang kanyang buhay.

Naaresto si Veloso noong 2010 matapos hindi sinasadyang magdala ng droga na itinago sa kanyang bagahe. Ilang beses niyang naiwasan ang bitay habang patuloy na lumalaban ang pamahalaang Pilipino at mga advocacy groups para sa kanyang kalayaan.

‘Tagumpay ng diplomasiya’

“The return of Mary Jane Veloso to the Philippines is a triumph of hope, diplomacy, and justice. Her case symbolizes the enduring struggle of many Filipinos abroad who are driven by the desire to uplift their families, only to face extraordinary challenges,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Kinilala niya ang direktang pakikibahagi ng Pangulo sa proseso, na nagbigay-daan sa paglaya ni Veloso mula sa tila imposibleng sitwasyon.

Sa 42nd ASEAN Summit sa Indonesia noong Mayo 2023, inihayag ni Pangulong Marcos na patuloy na nanawagan ang gobyerno ng Pilipinas sa Indonesia para sa pardon, pagbabawas ng sentensya, at extradition ni Veloso upang dito sa Pilipinas paglingkuran ang parusa.

Nagpasalamat din si Romualdez sa pamahalaan ng Indonesia sa kanilang pagkilala at pakikiisa.

“I also express my gratitude to the Indonesian government, particularly President Prabowo Subianto, for their goodwill and understanding,” aniya.

“This act of compassion strengthens the bonds of friendship between our two nations, built on mutual respect and shared values of justice and humanity,” saad pa nito.

Proteksyon para sa OFWs

Habang ipinagdiriwang ang pagbabalik ni Veloso, itinuon ni Romualdez ang atensyon sa mas malawak na hamon na kinakaharap ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at nanawagan ng mga reporma upang protektahan sila mula sa mga mapagsamantalang recruiter at kriminal na sindikato.

“As Speaker of the House of Representatives, I vow to continue working closely with our government agencies to advance policies that protect OFWs and their families, ensuring that no Filipino feels abandoned or unheard, no matter where they are,” wika ni Speaker Romualdez.

Binanggit niya na ang kwento ni Mary Jane ay paalala ng mga hamon na kinakaharap ng ating mga kababayan sa ibang bansa at ng kahalagahan ng pagtatanggol sa kanilang mga karapatan at dignidad sa lahat ng pagkakataon.

“To Mary Jane, welcome home. Your resilience and courage inspire us all, and we stand ready to support you as you begin anew.”