Calendar
Speaker Romualdez nagpasalamat sa mataas na trust, performance ratings
Lalo pang paghuhusayin ang paglilingkod
NAGPAHAYAG ng taos-pusong pasasalamat si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga Pilipino sa pagbibigay sa kanya ng mataas na trust at performance rating sa pinakahuling survey ng OCTA Research.
“I am deeply thankful to our people for this gesture, which will inspire us to continue to work hard and even work harder for them. Thank you for your trust and for your approval of the work we do,” ani Speaker Romualdez.
Nangako ang lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan na ipagpapatuloy at lalo pang sisipagan ang pagseserbisyo sa publiko upang mapaunlad ang bansa at mapabuti ang kanilang kalagayan.
Batay sa resulta ng Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na isinagawa noong Setyembre, nakapagtala si Speaker Romualdez ng overall trust rating na 61 porsiyento.
Si Speaker Romualdez ay nakapagtala ng 58 porsiyentong trust rating sa National Capital Region (NCR), 68 porsiyento sa balanse ng Luzon, 62 porsiyento sa Visayas at 48 porsiyento sa Mindanao.
Pagdating sa economic groups, ang lider ng Kamara ay nakapagtala ng 64 porsiyento sa Class ABC, 61 porsiyento sa Class D at 59 porsiyento sa Class E.
Nakapagtala naman si Speaker Romualdez ng 62 porsiyento overall performance, kung saan 61 porsiyento ang naitala nito sa NCR, 68 porsiyento sa balase ng Luzon, 66 porsiyento sa Visayas at 45 porsiyento sa Mindanao.
Sa mga economic groups, si Speaker Romualdez ay nakapagtala ng 66 porsiyento sa Class ABC, 62 porsiyento sa Class D at 59 porsiyento sa Class E.
“The ratings reflect not just trust in me but confidence in the collective work of my colleagues in the House of Representatives. Leadership is shaped by the strength and dedication of those who stand alongside it,” sabi ni Speaker Romualdez.
Nangako ang lider ng Kamara na patuloy na susuportahan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa misyon nito na mabigyan ng mas maayos na buhay ang mga Pilipino.
“Our collaborative efforts are starting to bear fruit. Proof of this is that inflation, or the increase in consumer prices, has been falling. We will continue to help President Marcos to keep it down to ease the burden on our people, especially the poor,” sabi pa nito.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumagal ang inflation rate noong Setyembre sa 1.9 porsiyento, mula sa 3.3 porsiyento noong Agosto at 4.4 porsiyento noong Hulyo.
Ang naitala na pinakamabagal na pagtaas noong Setyembre ang pinakamababa sa loob ng nakalipas na apat na taon.
“The intervention measures taken by the government under the leadership of President Marcos Jr. are now yielding positive results,” wika pa ni Speaker Romualdez.