House of Representatives

Speaker Romualdez naitala pinakamataas na performance rating ng lider ng Kamara—The Center

Mar Rodriguez Oct 11, 2023
219 Views

NAITALA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pinakamataas na performance rating ng isang incumbent na lider ng Kamara de Representantes.

Ito ay batay sa resulta ng 3rd quarter non-commissioned PULSO ng PILIPINO survey ng The Issues and Advocacy Center (The CENTER) na isinagawa mula Setyembre 23 hanggang 30.

Sa naturang survey, nakapagtala si Speaker Romualdez ng 70 porsyentong satisfied, 10 porsyentong dissatisfied o net satisfaction rating na 60 porsyento. Mayroong 20 porsyento na hindi tumugon.

Ang net performance rating na nakuha ni Speaker Romualdez ay mas mataas ng 5 porsyento kumpara sa nakuha ito sa 2nd quarter survey.

“This is a significant five per cent hike from the 55% net satisfaction rating of the House Chief in Pulso ng Pilipino’s 2nd quarter survey given the pressing issues the administration is currently facing,” sabi ng The Center sa isang pahayag.

“This is also the highest performance rating posted by an incumbent Speaker in the history of the Lower House,” sabi pa nito.

Sa kaparehong survey nakapagtala naman si Senate President Juan Miguel Zubiri ng 72 porsyentong net satisfaction rating o tumaas ng dalawang porsyento.

“Both ZUBIRI and ROMUALDEZ are credited for leading their respective chambers in support of the legislative agenda of the Administration,” sabi pa ng The Center.

Si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay nakapagtala naman ng 58 porsyentong net satisfaction rating at si Vice President Sara Duterte ay 54 porsyento.

Si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ay nakapagtala naman ng 41 porsyentong net performance rating.

Ang survey ay mayroong 1,200 respondent na pawang mga rehistradong botante na edad 18 hanggang 65 mula sa lahat ng socio-economic classes. Ito ay mayroong margin of error na plus/minus 3 porsyento at confidence level na lagpas sa excess 98%.