Martin

Speaker Romualdez nakiramay sa pamilya ng pumanaw ni Gov Padilla

201 Views

NAGPAHATID ng kanyang pakikiramay si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga mahal sa buhay at constituents ni Nueva Vizcaya Gov. Carlos Padilla, na pumanaw noong Biyernes.

“Our deepest sympathies, thoughts and prayers are with them, especially his wife, former Gov. Ruth Padilla, and his children – Carlos ‘Jojo’ II, Ruthie Maye and Carlo Paolo, and his grandchildren – at this difficult time of grief and mourning,” ani Speaker Romualdez.

“We will always remember Gov. Carling Padilla as a great leader of his province and a humble colleague in the House of Representatives. He was always soft-spoken, non-combative, unobtrusive, level-headed,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Sinimulan ni Padilla ang kanyang karera sa pulitika bilang mayor ng bayan ng Dupax del Norte noong 1975.

Si Padilla ay nakatapos ng tatlong termino bilang kinatawan ng Kamara, at nahalal na gubernador ng Nueva Ecija noong 2016 at nanatili sa puwesto hanggang sa kanyang pagpanaw.

Siya ay naging miyembro ng Kamara noong 1987 hanggang 1992 at mula 1995 hanggang 2004.

Kasama sa kanyang mga panukala na naging batas ay ang Free High School Education Act of 1988 o Republic Act No. 6728, na pagbibigay ng ayuda ng gobyerno sa mga mahihirap na estudyante at guro sa pribadong paaralan; RA No. 6966 na nagre-regulate sa propesyon ng librarian profession; RA No. 7104 na lumikha ng Commission on Filipino Language; Philippine Nursing Act; Philippine Dentistry Act; RA 7168 na nagbigay-daan upang maging unibersidad ang Philippine Normal College; at pagtatayo ng mga paaralan sa kanyang probinsya gaya ng Nueva Vizcaya State University at Philippine Science High School-Cagayan Valley campus sa bayan ng Bayombong.