Speaker Romualdez.

Speaker Romualdez naungusan na VP Sara sa performance, trust ratings –Octa

101 Views

PATULOY ang pagsipa pataas sa survey si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez base sa pinakahuling Tugon ng Masa (TNM) survey ng Octa Research na ipinalabas nitong Martes, Agosto 27, matapos nitong maungusan si Vice President Sara Duterte sa performance ratings.

Ayon sa survey na isinagawa nitong Hunyo 30 hanggang Hulyo 5, 2024, sa 1,200 respondents, majority ng adult Filipinos o 63 porsyento ay satisfied sa performance ni Speaker Romualdez na naungusan na si VP Sara na nakakuha naman ng 60 porsyento sa kanyang performance ratings. Ang bilang ni VP ay bumagsak ng apat na porsyento kumpara sa kanyang 64 porsyentong performance ratings survey na isinagawa nitong Marso.

Si Romualdez ay tumaas naman ng isang porsyento mula sa kanyang 62 porsyentong performance ratings nitong March survey.

“The majority of Adult Filipinos, at 63%, are satisfied with theperformance of House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez in the 2nd quarter 2024 TNM survey. His performance ratings recorded nominal improvements at national level during 2nd quarter 2024 TNM survey,” ayon sa Octa Research.

“This due primarily to the improvements in his (Romualdez) ratings in Mindanao which significantly increased by 10% from 42% to 52%. Moreover, his performance ratings also significantly improved in class ABC by 13% from 54% to 67%,” dagdag ng survey firm.

Samantala, 68 porsyento naman ang nananatiling satisfied sa performance ni President Ferdinand “Bongbong: Marcos Jr. Ito ay mas mataas ng tatlong prosyento kumpara sa kayang 65 porsyentong nakuha nitong nakaraang survey.

Pagdating naman sa trust ratings, aabot sa 71 porsyentong Pinoy ang nananatiling may tiwala kay Pres. Marcos, o mas mataas ng dalawang porsyento sa kanyang nagdaang survey na 69 porsyento.

Muli namang bumaba ang trust rating ni VP Sara na nakakuha ng 65 porsyento o mas mababa ng tatlong porsyento kumpara sa kanyang trust ratings na 68 porsyento nitong nagdaang survey.

“It must be noted that this is the second consecutive quarter that Duterte experienced a decline in her trust ratings, continuing the slide since the 4th quarter TNM survey conducted last December 2023,” anang survey firm.

Sa kabilang banda, si Speaker Romualdez at Senate President Francis Joseph “Chiz” Escudero ay patuloy pa ring pinagkakatiwalaan ng mas nakararaming Filipino na nakakuha ng 62 porsyento at 67 porsyento, ayon sa pagkakasunod.

“Senate President Escudero and House Speaker Romualdez continue to be trusted by the majority of Filipinos. Moreover, the majority of Filipinos continue to approve of the performance of House Speaker based on the 2nd Quarter 2024 TNM nationwide survey conducted from June 30 to July 5, 2024,” dagdag pa ng Octa.