Calendar

Speaker Romualdez: Pagbagal ng inflation rate patunay nagbubunga reporma ng Marcos admin
PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang patuloy na pagbaba ng inflation rate ng bansa, na aniya’y patunay na epektibo ang hakbang na ginagawa ng economic team ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. upang mapababa ang presyo ng bilihin at pagprotekta sa kapangyarihang bumili ng mga Pilipino.
Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumagal ang inflation rate sa 2.1 porsyento noong Pebrero mula sa 2.9 porsyento noong Enero, na nagpapakita ng patuloy na positibong direksyon ng ekonomiya ng bansa.
“This is great news for every Filipino family. The continued drop in inflation—from 2.9% in January to 2.1% in February—proves that President Ferdinand R. Marcos Jr.’s economic team is getting the job done,” ani Speaker Romualdez.
Binigyang-diin niya na nananatiling nakatutok ang administrasyon sa seguridad sa pagkain at katatagan ng ekonomiya, kung saan aktibong sumusuporta ang Mababang Kapulungan sa pamamagitan ng mga batas na nagpapagaan sa buhay ng mga Pilipino.
“The Marcos administration has remained laser-focused on stabilizing prices, ensuring food security and protecting the purchasing power of our people. We in the House of Representatives fully support these efforts by passing laws that make life easier for ordinary Filipinos—whether it’s lowering food costs, ensuring stable energy prices, or creating more jobs,” dagdag niya.
Binanggit ni Speaker Romualdez ang determinadong hakbang ng gobyerno, lalo na sa pagsugpo sa mataas na presyo ng bigas, smuggling at hoarding, na aniya’y naging susi sa pagbaba ng inflation.
Malaki rin ang papel ng House quinta committee sa pag-iimbestiga ng mga iregularidad at pagtiyak na nananatiling abot-kaya ang mahahalagang produkto para sa publiko.
Aniya, ang patuloy na pagbaba ng inflation ay patunay ng matatag na pamumuno at epektibong mga patakarang pang-ekonomiya na nagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.
“We know how tough the past few years have been, but the numbers don’t lie—inflation is going down, and our economy is getting stronger. This is the result of sound leadership, strong policies and the resilience of the Filipino people,” sabi ni Speaker Romualdez.
Tiniyak din niya sa publiko na patuloy na magsisikap ang gobyerno upang mapanatili ang trend na ito, na magdudulot ng mas malaking ginhawa sa mga pamilyang Pilipino.
“This is just the beginning. We will continue working to make sure that this downward trend in inflation translates to more savings, better opportunities, and an improved quality of life for every Filipino,” ani Speaker Romualdez.
Muling iginiit ni Speaker Romualdez ang pangako ng administrasyon sa pangmatagalang katatagan ng ekonomiya, na may mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng lehislatibo at ehekutibo upang palakasin pa ang bansa.
Hinikayat din niya ang lahat ng sektor na suportahan ang mga inisyatiba ng gobyerno na naglalayong mapalakas ang seguridad sa pagkain, mapanatili ang katatagan ng enerhiya at lumikha ng mas maraming trabaho.
“Patuloy nating itutulak ang mga repormang magpapagaan sa buhay ng bawat Pilipino. Sa ilalim ng Bagong Pilipinas, walang maiiwan!” pahayag ni Speaker Romualdez.