Gilas

Speaker Romualdez pinuri ang Gilas Pilipinas

Mar Rodriguez Oct 7, 2023
301 Views

Sa makasaysayang panalo ng gintong medalya sa 19th Asian Games

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ang Gilas Pilipinas matapos ang makasaysayang tagumpay sa 19th Asian Games para masungkit ang gintong medalya sa basketball makalipas ang 61-taon.

Sinabi ni Speaker Romualdez na nakakabilib ang Gilas Pilipinas nang talunin ang Jordan sa iskor na 70-60 upang makuha ang ika-apat na gintong medalya ng bansa sa labang ginanap sa Hangzhou Olympic Center Gymnasium.

“With immense pride and joy, we stand united with the entire Filipino nation in celebrating this historic moment. Gilas Pilipinas has accomplished something truly extraordinary, securing our country’s first Asian Games basketball gold medal in 61 years, leaving an indelible mark in the annals of sports history,” ani Speaker Romualdez, ang pinuno ng higit 300 miyembro ng Kamara de Representantes.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang tagumpay na ito ng Gilas Pilipinas ay isang patunay sa hindi natitinag na determinasyon at dedikasyon ng mga Pilipinong atleta na nagpakita ng kahanga-hangang husay, teamwork, at katatagan sa kanilang karera.

“Their hard work and determination have borne fruit, bringing honor and glory to our nation,” pahayag ni Speaker Romualdez.

“We extend our heartfelt congratulations and gratitude to every member of Gilas Pilipinas, their coaches, and the entire support staff who played an integral role in this exceptional achievement.

You have made our country proud, and your victory will serve as an enduring inspiration for generations of Filipino athletes striving for excellence. Mabuhay ang Gilas Pilipinas! Mabuhay ang atletang Pilipino!” dagdag nito

Noong 1962 pa huling manalo ang Pilipinas ng gintong medalya, sa Jakarta, Indonesia Asian Games sa pangunguna ng yumaong Fiba Hall of Famer na si Carlos Loyzaga.

Noong 1998, nakasungkit ng Pilipinas ang bronze medal kung saan si Tim Cone din ang coach ng koponan.