Martin1 RA 10242 – Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act sa Ceremonial Hall ng Malacañang Palace umaga ng Martes. Naroon si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez (ika-4 sa kanan), Senate President Francis “Chiz” Escudero (ika-4 sa kaliwa) kasama sina (mula kaliwa) Sen. Jinggoy Estrada, Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Migz Zubiri, Rep. Raul “Buboy” Tupas, Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos, AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. at Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. Kuha ni VER NOVENO

Speaker Romualdez pinuri si PBBM sa pagsasabatas ng Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act

88 Views

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act, na isang malaking tagumpay para sa pagpapalakas ng kakayanang pangdepensa ng bansa sa gitna ng tensiyon sa West Philippine Sea (WPS).

Nagpasalamat din ang lider ng Kamara de Representantes sa administrasyon ni Pangulong Marcos sa pagbibigay nito ng prayoridad sa pambansang seguridad at modernisasyon ng kakayanang pandepensa ng bansa, na magiging mahalaga sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon habang pinangangalagaan ang mga interes ng bansa sa karagatang sakop ng Pilipinas.

“As a nation, we are committed to peace and diplomacy in the resolution of disputes, but we will also stand by our duty to defend our territory and uphold international law.

This law ensures that our military is well-prepared and self-sufficient,” ani Speaker Romualdez.

Ang Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act ay naglalayong iangat ang lokal na industriya ng depensa, pahusayan ang mga inisyatiba para sa modernisasyon ng militar, at palakasin ang pakikipagtulungan sa mga kaalyadong bansa upang matiyak ang isang maaasahang estratehiya ng depensa laban sa mga panlabas na banta.

“This is a pivotal moment for the country. The passage and signing of this law sends a strong message that we are serious about protecting our sovereignty and securing our future,” ayon pa sa pinuno ng Kamara na may higit sa 300 kinatawan.

Ang bagong batas, na kilala bilang Republic Act (RA) No. 10242, ay resulta ng pagsasama ng House Bill No. 9713 at Senate Bill No. 2455. Kabilang ito sa mga pangunahing panukala ng Pangulong Marcos Jr. at ng Legislative–Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Binibigyang-diin ni Romualdez ang kahalagahan ng batas na ito sa pagbawas ng pagdepende ng bansa sa mga military imports sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kakayahan sa lokal na pagpapagawa ng mga kagamitan, pananaliksik at pagpapaunlad.

Aniya, ito ay magtutulak sa modernisasyon ng militar ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga lokal na industriya ng depensa, na mahalaga para sa mga ordinaryong Pilipino, dahil mas mapapangalagaan nito ang soberanya ng bansa, lalo na sa gitna ng tensiyon sa mga lugar tulad ng West Philippine Sea.

Dagdag pa rito, binigyang-diin ni Romualdez na ang muling pagpapasigla ng lokal na industriya ng depensa ay makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho, pagsulong ng makabagong teknolohiya, at pagpapalaganap ng kulturang pagiging self-reliant sa loob ng sektor ng depensa.

“This law will not only strengthen our security but also open up opportunities for our industries to grow and innovate. It paves the way for greater collaboration between government and private sector partners to build a robust defense ecosystem,” saad pa nito.

Sa ilalim ng RA 12024, sinabi ni Speaker Romualdez na bibigyang prayoridad ang mga negosyo na pag-aari ng mga Pilipino na nakatuon sa pag-unlad, produksyon, produksyon ng mga piyesa, serbisyo, o operasyon ng mga gamit pandigma sa Pilipinas.

Hangga’t maaari, ang Pilipino ang kukuning manggagawa sa sektor na ito.

Bilang karagdagan, binubuksan ng batas ang mga pagkakataon para sa inobasyon sa mga larangan ng artificial intelligence, robotics at cyber defense.

“By fostering technological advancements, the law will help the Philippines stay ahead in these emerging areas and contribute to long-term economic growth. By shifting the focus to local production of defense equipment, the law will lessen our country’s reliance on costly imports,” ayon kay Romualdez.

“This ensures that Filipinos’ tax money is reinvested in our local economy and for social services, like education, health care, infrastructure, and financial assistance to the poor,” dagdag pa ni Romualdez.

Tiniyak din ni Speaker Romualdez na susuportahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng pagtiyak na mayroon itong sapat na alokasyon sa badyet para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa pag-unlad ng local defense industry.

“As the leader of the House of Representatives, I pledge our full support in allocating the necessary resources to turn this law into reality. We will ensure that our armed forces have the tools, technology, and resources they need to protect our sovereignty and defend our people from any external aggression,” giit pa ni Romualdez.