Martin

Speaker Romualdez sa rice traders: Moderate your greed

Mar Rodriguez Aug 24, 2023
194 Views

SA gitna ng mga alegasyon na iniipit ang suplay ng bigas upang tumaas ang presyo nito, pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang isang fact-finding mission at inspeksyon sa malalaking warehouse sa Bulacan kung saan umano itinatago ang bigas.

Bilang bahagi ng oversight power ng Kongreso at sa imbitasyon ni Bureau of Customs Commissioner Bienvenido “Bien” Y. Rubio, pinuntahan ni Speaker Romualdez at ilang pang mambabatas ang FS Rice Mill, San Pedro Warehouse, at Great Harvest Rice Meal Warehouse na nasa Bocaue at Balagtas, Bulacan.

“‘Yung karamihan ng [rice] suplay dito aabot na ng three months eh, technically that’s hoarding,” ani Speaker Romualdez, lider ng 311 miyembro ng Kamara de Representantes.

“Kasi pag ini-embudo mo, ‘pag hino-hoard mo tumataas. Greed ‘yan eh ‘di ba, gusto mo kumita,” sabi ni Speaker Romualdez. “Kaya nga nagpapasalamat tayo kay Commissioner Bien [Bienvenido Rubio] at saka ‘yung team niya galing sa Customs. Nandito naman tayo kung baga nag-pa-fact finding tayo at ocular inspections just to make sure that lahat ng napapasok na imported tama ang binayaran nilang buwis.”

“‘Yung assessment talaga natin, sapat na suplay lalo na ‘yung galing sa ibayong-dagat pero mataas na rin ‘yung presyo. Pero nakita din natin sapat na suplay pero medyo matagal na naho-hold.

Dapat kung ano ‘yung pinasok, ilabas kagad, ibaba kaagad at reasonable price dahil masyadong mataas ngayon ang presyo,” dagdag pa ni Romualdez na ikinalungkot ang paggamit ng ilang rice trader sa pagtaas ng presyo sa pandaigdigang pamilihan para lumaki ang kanilang kita.

“Maski ‘yung mga locally produced, hinohold back, mina-match nila ‘yung pricing sa international pricing [adjustments],” punto pa ng lider ng Kamara. “Kaya ‘yung gusto natin, ‘yung naging payo natin ilabas na nila, ibaba na kasi nakaka-awa na ‘yung taumbayan.”

“At sa halip na itong magkaroon ng wet harvest, ilabas na at meron naman tayong mga outlet gaya ng kadiwa kung saan p’wede nating ibaba,” sabi pa ni Speaker Romualdez kasabay ang paghimok sa mga negosyante na suportahan ang Kadiwa store kung saan maaaring makabili ng mga produkto na mas mababa ang presyo.

“We call on our rice czar, si Usec. [Leocadio] Sebastian ng DA (Department of Agriculture). ‘Yun po ang hangarin po ng ating mahal na presidente, President Ferdinand R. Marcos na ibaba natin ‘yung presyo. Let us follow his policy so we are calling on Usec. Sebastian, siya ang in-charge sa rice. Iyung ginagawa natin, sana tutukan talaga ‘yung sapat na suplay at ibaba kaagad ang presyo,” dagdag pa ni Romualdez.

Bukod sa mga opisyal at tauhan ng BOC, nakasama ni Speaker Romualdez sa inspeksyon sina Reps. Erwin Tulfo, Edvic Yap at Wilfrido Mark Enverga, chair ng House Committee on Agriculture and Food.

Pumunta ang BOC sa mga warehouse sa bisa ng letter of authority. Pinagsusumite ng ahensya ang mga may-ari ng Great Harvest Rice Mill Warehouse, San Pedro Warehouse, at FS Rice Mill na magsumite ng mga dokumento upang patunayan na legal ang kanilang pag-angkat ng bigas.

“Rice hoarding is economic sabotage in its highest degree. It not only destabilizes prices in the market through arbitrary manipulation, but it also adversely affects the ability of Filipino families to cope with day-to-day living. And for that, hoarders should be applied the full force of the law,” sabi naman ni Enverga.

“And this is in support of President Ferdinand ‘Bongbong’ Romualdez Marcos Jr.’s efforts in alleviating the plight of Filipino families now reeling from the high cost of rice. We want our citizens to know that their government is doing something to bring down the price of rice,” sabi naman ni Tulfo.

Sa nakalipas na mga linggo ay tumaas ang presyo ng bigas at kung hindi umano ito mapipigilan ay maaaring umabot sa P60 hanggang P65 kada kilo.

“We need to know if there is truly some basis to accusations that hoarders are responsible for the spike of rice prices in the market. Inspections such as these send a powerful signal to all the hoarders and manipulators out there to stop burdening the Filipino people for profit,” sabi ni Speaker Romualdez, ang kinatawan ng unang distrito ng Leyte.

“Aside from our oversight functions under the law, we are also doing this in aid of legislation, as we have pending measures in the House of Representatives that seek to penalize the act of hoarding rice and other basic agricultural necessities,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Sina Reps. LRay Villafuerte, Brian Yamsuan at Wilbert Lee ay magkakahiwalay na naghain ng panukala sa Kamara upang maamyendahan at mapalakas ang anti-agricultural smuggling law at pabigatin ang parusa laban sa mga hoarder, price manipulator, at opisyal ng gobyerno na sangkot dito.

Inaasahan na ipagpapatuloy ni Speaker Romualdez ang pagsasagawa ng inspeksyon sa iba pang warehouse.

Sinabi ni Speaker Romualdez na sinasamantala ng mga hoarder at price manipulator ang “lean months” at iniipit ang suplay ng bigas upang tumaas ang presyo nito at lumaki ang kanilang kita.

“Ang masama pa rito, ang mahihirap na taong-bayan ang pinaparusahan nyo. These are the people who make ends meet for their families. This is why rice hoarding is unforgivable,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.