Martin

Speaker Romualdez sasanaying si Vinny Marcos sa paggawa ng batas

130 Views

SASANAYIN ni Speaker Ferdinand Marcos Jr. ang bunsong anak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na si Vinny sa proseso ng paggawa ng mga makabuluhang batas na makatutulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga Pilipino.

Ayon sa Office of the Speaker si Vinny ay nagsimula bilang intern ng Office of the Speaker noong nakaraang Linggo.

Si Vinny ay sasanaying sa proseso ng paggawa ng mga panukalang batas kasama na ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang komite at departamento gayundin ang mga paraan upang mapabilis ang pagpasa ng mga panukala na kailangan ng gobyerno at publiko.

Si Speaker Romualdez din ang nagsanay sa panganay na anak ni Marcos na si Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos noong nakaraang Kongreso. Si Romualdez noon ay House Majority Leader.

Si Sandro ay kinatawan na ngayon ng unang distrito ng Ilocos Norte at House Senior Deputy Majority Leader.