Zambales

Speaker Romualdez, Tingog sumaklolo sa mga binaha sa Zambales

182 Views

AGAD na sumaklolo sa mga pamilyang binaha sa Zambales ang tanggapan nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre.

Sinuong ng mga tauhan ng mga mambabatas ang masamang panahon na dala ng bagyong Dodong upang ihatid ag mga relief goods sa mga nasalantang pamilya sa bayan ng Masinloc at Palauig sa Zambales.

Nakipag-ugnayan ang mga tanggapan kay Zambales 2nd district Rep. Doris Maniquiz para mabilis na maipamahagi ang mga relief goods.

“There is practically no time to lose during disasters like typhoons and floods. We will do our best to help respond to your needs as we monitor the situation with other authorities. This assurance is not only for the people in Zambales but also for Filipinos affected by Dodong in other areas,” ani Speaker Romualdez.

Umabot sa 441 relief pack ang naipamahagi sa anim na barangay ng Masinloc, at 1,217 pack naman sa walong barangay ng Palauig.

Batay sa ulat, libu-libong pamilya ang inilikas at pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center.

Patuloy umano ang gagawing koordinasyon ng Speaker’s Office at Tingog sa mga lokal na pamahalaan upang malaman ang pangangailangan ng mga nasalanta.