Tingog Hangarin ng Tingog na tulungan ang mga pasyenteng may kanser.

Speaker’s Office, Tingog nagpaabot ng tulong sa cancer patients ng PCMC

82 Views

NAGPAABOT ng tulong ang tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog party-list katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 31 pasyenteng may kanser sa Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City.

Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng tig-P10,000 para sa pagkain at gamot.

Ang inisyatibang ito ay patunay umano ng hangarin ng Tingog na tulungan ang mga pasyenteng may kanser.

Isa sa mga natulungan ay ang cancer patient na si Mark John, na kasama sa mga lumahok sa town hall meeting na ginanap noong Lunes.

“Yes po, helpful po lalo na sa mga parents kasi yun talaga mga kailangan ng mga assistance kasi yun talaga yung unang nauubos lalo na sa mga problema sa panggastos,” sabi ni Mark John sa tulong na natanggap.

Bukod sa cash assistance, ang 31 pasyente ay binigyan din ng guarantee letter na maaari nilang ibayad sa PCMC.