Calendar
Speaker’s Office, Tingog namigay ng relief aid sa binaha sa Davao
NAMIGAY ng tulong ang tanggapan ni Speaker Martin G. Romualdez at ang Tingog part-list sa mga residente ng bayan ng Malalag sa Davao del Sur na binaha dulot ng walang humpay na pag-ulan.
Ang mga opisyal ng Office of the Speaker ay namigay ng 1,300 relief packs sa mga biktima noong Linggo samantalang ang Tingog party-list sa pangunguna nina Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre ay namigay ng 1,000 relief packs noong Biyernes at Sabado.
“In keeping with our commitment to provide relief and assistance, we immediately respond to help our people who are in desperate need of food and other basic necessities in times of calamities,” sabi ni Acidre.
Ang mga miyembro ng Alagang Tingog Digos ang nanguna sa pamamahagi ng tulong.
Mula pa noong Nobyembre 17 ay nagpapakain na ng lugaw ang grupong ito sa mga apektadong residente bukod pa sa pagtulong sa mga nawalan ng matutuluyan.
Sa Lunes, Nobyembre 21, ang Alagang Tingog GenSan ay namigay naman ng tulong sa mga residente ng Alabel, Sarangani.
Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong Lunes, pinangunahan ni Speaker Romualdez ang pagsasagawa ng donation drive para tulungan ang mga nasalanta ng iba’t ibang kalamidad.
Umabot sa P70.92 milyon ang nalikom ditong pera at pangako. Ang unang natulungan ng mga donasyon ay ang mga nasunugan sa Navotas City na pinagkalooban ng P5 milyon at mga relief goods.
Para sa mga biktima ng bagyong Paeng, pinangunahan din ni Romualdez ang isang donation drive at nakalikom ng P49.2 milyong halaga ng pera at pangako.