Tingog Party-list

Speaker’s office, Tingog Party-list namahagi ng relief goods sa mga biktima ng bagyong Carina sa Marikina, QC

Mar Rodriguez Jul 27, 2024
29 Views

NAMIGAY ng relief goods ang tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez noong Biyernes sa mga biktima ng bagyong Carina sa Quezon City at Marikina City.

Ang mga tauhan ng tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay tinulungan ng mga staff ni Tingog Party-list Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre.

Nasa 531 pamilya sa mababang bahagi ng Barangay Tumana sa Marikina ang binigyan ng mga food pack na may lamang bigas, de lata, kumot, at kape.

Sa Barangay Batasan Hills sa Quezon City, binigyan naman ng food pack ang may 222 pamilya.

Ayon sa tanggapan ni Speaker Romualdez at Tingog Partylist ang pagtulong ay pagpapakita ng kanilang pakikiramay at pakikiisa sa mga biktima ng bagong Carina.

Nauna rito, personal na pinuntahan ni Speaker Romualdez ang mga flood control infrastructure sa Navotas at namahagi ng relief goods sa lugar. Pumunta rin ito sa San Juan at Quezon City upang maghatid ng paunang tulong.

Nanawagan si Speaker Romualdez na repasuhin ang flood control masterplan para sa Metro Manila upang maiwasan ang labis na pagbaha sa rehiyon.