Calendar

STL operator sinaksak, tigok
PATAY ang lalaking operator ng Small Town Lottery Operator (STL) nang saksakin sa dibdib ng suspek na tumakas matapos ang pagtatalo sa Brgy. Sampaloc, Pagsanjan, Laguna noong Huwebes.
Dead-on-arrival sa Laguna Medical Center si alyas Mark Angelo dahil sa tama ng kutsilyo sa dibdib, ayon sa attending physician ng ospital.
Isang alyas Angelo, 23, na tumakas matapos ang pananaksak, ang itinuturong suspek sa krimen.
Sa report ng Pagsanjan police, dakong alas-5:00 ng umaga naganap ang away ng dalawa na nauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima.
Ayon sa saksing si Andrei Agawin, 23, madaling araw ng Huwebes ng magsigawan ang dalawa hanggang sa mairita ang suspek.
Dito na biglang binunot ang dala niyang kutsilyo at inundayan ng saksak ang biktima sa dibdib.