Calendar
Suansing naghain ng COC sa ikalawang termino
CABANATUAN CITY–Nag-file ng certificate of candidacy si Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela “Mika” Suansing sa Commission on Elections para sa muling pagsabak sa pulitika.
Hangad ni Suansing na masungkit ang kanyang ikalawang termino sa Kongreso sa unang distrito ng lalawigan sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrats party na pinamumunuan ng pangulo nito na si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Kasama niya ang kanyang ina na si dating Congresswoman Estrellita “Ging” Suansing, provincial board member Dr. Napoleon Interior Jr. at ang ama nito na si dating Bokal Napoleon Interior Sr. sa paghahain ng CoC.
Ipinagmalaki ng nakababatang Suansing ang kanyang mga nagawa sa Kongreso at inilarawan niya ito bilang isang “napakalaking break.”
“Napakalaking pagkakataon ang malaking break na naibigay sa akin ng liderato ng Kongreso pati ng ating mahal na Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos.
Ipinagkatiwala po nila sa isang first-termer ang pakikipag-debate at pakikipag-laban para sa mga prayoridad na panukalang batas ng administrasyong Marcos kaya napakaganda po kasi talagang nakilala po agad ang unang distrito ng Nueva Ecija na mayroong kinatawan na kayang itaguyod yung ganung klaseng mga panukalang batas,” sabi ng mambabatas.