Calendar

Metro
Sumasakay sa MRT-3 patuloy sa pagdami
Peoples Taliba Editor
Jun 7, 2022
259
Views
PATULOY umanong dumarami ang sumasakay ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3)
Sa ikasiyam na sunod na weekday mula noong Mayo 25, mahigit sa 350,000 ang naitalang sumasakay sa MRT-3 kada araw.
Noong Hunyo 6 ay nakapagtala rin ng bagong daily ridership record ang MRT-3 na umabot sa 370,276 pasahero mula ng magbalik-operasyon noong Hunyo 1, 2020.
Mula Marso 28 hanggang Hunyo 6 ay umabot na sa 20.082 milyon ang mga pasahero na nabigyan ng libreng sakay ng MRT-3. Tatagal ang libreng sakay hanggang sa Hunyo 30.
Isinailalim sa rehabilitasyon ang MRT-3 kaya nabawasan ng husto ang pagkasira ng mga tren habang nasa operasyon.
Parusa vs 3 bus firms irerekomenda ng LTO
May 10, 2025
Magsabi ng ‘I love you’ sa ina sa Mother’s Day
May 10, 2025
Suspek sa gahasa nalambat sa Caloocan
May 10, 2025
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025