Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Pic1 Kuha ni JONJON C. REYES

Sunday protest, warning sa mga opisyal ng gobyerno – Sen. E. Tulfo

Jon-jon Reyes Sep 21, 2025
376 Views

LOUD and clear!!! Kailangan ayusin naming lahat ang trabaho namin sa gobyerno at iwasan mahulog sa korapsyon”.

Ito ang tugon ni Sen. Erwin Tulfo, hinggil sa kanyang reaksyon sa kilos protesta nitong linggo sa Luneta sa Maynila at People Power Monument sa EDSA, Quezon City.

“That they ( people ) are watching and they are tired of corruption”, dagdag pa ng mambabatas.

“Mensahe ng sambayanan ito sa gobyerno na shape up or we will take control”.

Libo-libo ang dumalo sa nasabing protesta sa Maynila at Quezon City upang ikondena ang pagnanakaw ng pera na bayan sa mga ghost at substandard flood control projects.

Payo pa ni Tulfo sa mga opisyal ng pamahalaan at mga kontraktor na isoli ang pera ng taumbayan.

“Parang hinoldap o dinukutan nila ang pobreng si juan para mabili lamang ang luho nila,” ayon kay Tulfo.

“September 21, 2025 should be the last day of corruption in the government”, pahabol ng mambabatas.