Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Navotas Source: Navotas PIO

Sunog sa Navotas landfillpahirapang patayin

Edd Reyes Apr 11, 2026
300 Views

Navotas1

Navotas2
Source: Navotas PIO

NAGLIYAB ang malaking bahagi ng landfill sa Brgy Tanza 2, Navotas mula pa noong Biyernes ng gabi at nakontrol lang ang apoy dakong alas-10:00 ng umaga ng Sabado.

Pahirapan ang pagpatay sa apoy dahil hindi makapunta sa fire scene ang mga barko na magsasakay sana ng mga fire trucks dahil low tide kaya’t humingi ng tulong sa Philippine Air Force (PAF) ang Navotas government at San Miguel Corporation (SMC), ang may-ari na ng 40-ektaryang pasilidad.

Inatasan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na sumama sa Navotas Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagpunta sa landfill upang suriin kung may mga residenteng naapektuhan ng masangsang na amoy na usok na nagmumula sa sunog.

Umalis mula sa C4 Centennial Park ang barge ng SMC sakay ang dalawa nitong tankers at isang pumper fire trucks mula sa BFP, nang tumaas ang tubig kaya’t pasado alas-10 ng Sabado ng umaga ay iniulat ng BFP na kontrolado na ang sunog.

Pinakilos ni Mayor Tiangco ang mga kinauukulang tanggapan ng lokal na pamahalaan upang tiyaking hindi nakaapekto sa kalusugan ng kanilang kababayan ang usok na mula sa nasusunog na dumpsite

Bukod sa CDRRMO at BFP, nagtungo rin sa lugar ang team ng Environmental Management Bureau-National Capital Region (EMB-NCR) sa pangunguna ni Regional Director Engr. Vizminda Osorio upang suriin ang kapaligiran.

Ipinasara ang landfill noong Agosto 2025 matapos katigan ng hukuman ang inihaing expropriation case ng San Miguel Aerocity Inc. (SMAI) dahil may kaugnayan ang landfill sa pagtatayo ng New Manila International Airport sa Bulacan.