Calendar
Sunog sa Parola Compound lumaki ng lumaki ang apoy


SUMIKLAB ang sunog na umabot sa Task Force Alpha sa mga kabahayan sa Parola Compound, Gate 46, Tondo, Manila, Sabado ng hapon.
Nagsimula ang sunog bandang 3:15 ng hapon.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa mga kabahayan ay gawa sa light na materyal. Ilan sa mga residente ay naglundagan sa dagat dahil sa malapit at katabi lamang ang nasabing katubigyan sa mga kabahayan.
Patuloy pang inaalam ng mga miyembro ng BFP ang sanhi ng sunog na patuloy pang lumalaki.
Samantala, mabilis na rumesponde ang firefighting at medical assets ng Philippine Red Cross (PRC) sa patuloy na sunog sa Brgy. 275, Delpan, Parola Compound, San Nicolas, Maynila, Biyernes ng hapon,].
Ayon sa PRC bandang alas 3:15 p.m. nang lmaki ang sunog mula ikalawang alarma hanggang ikaapat na alarma sa loob lamang ng halos 20 minuto.
Itinaas ang alarma sa Task Force Alpha.
