Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng
Jul 15, 2026
Calendar
Metro
Mall sekyu arestado sa Las Pinas dahil sa sex assault
Edd Reyes
May 23, 2026
154
Views
INARESTO ng mga pulis habang naka-duty sa loob ng mall ang 40-anyos na security guard na wanted sa sexual assault noong Huwebes sa Las Pinas City.
Isinilbi kay alyas Bentot ang warrant of arrest na inilabas ni Las Pinas Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Karen Sanchez Canullas-Armada ng Branch 201 para sa kasong sexual assault, ayon kay P/BGen. Glenn Oliver Cinco, hepe ng southern Police District (SPD).
Ayon kay P/Col. Ricky Sumalde, hepe ng District Mobile Force Battalion (DMFB) ng SPD, isinagawa ang operasyon dakong alas-6:30 ng gabi matapos magpositibo ang natanggap na impormasyon na nagdu-duty bilang security guard sa naturang mall ang akusado.
Nakadetine sa Las Piñas City custodial facility ang akusado.
Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng
Jul 15, 2026
Pulis sinapak, dinuraan sa kaguluhan sa Malate
Jul 15, 2026

