DENR

Pasay, DENR, SM pumirma sa MOA para sa adopt-an-estero program

Edd Reyes May 23, 2026
164 Views

NAGLATAG si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ng programa sa pagpapanatili ng malinis at maayos na Libertad Channel na daluyan ng tubig patungong Manila Bay galing sa siyudad.

Bilang paghahanda sa tag-ulan, lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang Pasay, Department of Environment and Natural Resources Environmental Management Bureau–National Capital Region (DENR-EMB-NCR) at SM Smart City Infrastructure and Development Corporation sa ilalim ng Adopt-an-Estero/Water Body Program sa loob ng limang taon.

Layunin aniya nito na maibalik ang kalusugang ekolohiya ng Libertad Channel, bawasan ang pagtatambak ng basura, at maibsan ang pagbaha sa lungsod na matagal ng nakakaapekto sa buhay ng mga naninirahan sa malapit sa ilog, lalo na kung may bagyo o malakas na buhos ng ulan.

Naniniwala si Mayor Emi na bilang kritikal na daluyan ng tubig patungo sa Manila Bay, may mahalagang papel ang Libertad Channel sa pagpapanatili ng kalikasan at katatagan sa pagbabago ng klima.

“This commitment to adopt a one-kilometer stretch of the Libertad Channel under the Adopt-an-Estero/Water Body Program reflects the kind of partnership that creates lasting and visible impact in our communities,” pahayag ng alkalde.