Sunog Ang bahagi ng mga bahay sa Brgy. Longos, Bacoor ,Cavite na tinupok ng apoy araw ng Martes.

Sunog sumiklab sa Bacoor, 8 sugatan

Gil Aman Sep 11, 2024
44 Views

WALONG katao ang nasugatan habang humigit kumulang ng 1,000 pamilya ang apektado sa naganap na sunog Martes ng umaga sa Lingos, Bgy. Zapote 3, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ng Bacoor City police ang mga sugatan na sina Conrado Mangubat, na nagtamo ng ng 2nd degree burn sa magkabilang braso at likod; Luigie Hernandez, nagtamon ng laceration sa kaliwang daliri, Sammy Kalingkat, nagtamo ng puncture wound sa kanang paa; Steve Reclamante, nagtamo ng ng laceration sa kaliwang paa; Jeric Mendoza na nahirapang huminga; Larry Baldogo, nagtamo ng ng laceration sa kaliwang paa, Jaypee Omene, may gasgas sa likod at Antony Isidro na nahirapang huminga .

Sumiklab ang sunog sa isang bahay at kumalat ang apoy ssa mga kalapit bahay dakong 11 a.m.

Tumagal ang sunog ng halos dalawang oras. Nagdeklara ang mga bumbero ng fireout mga 2:13 ng hapon.

Kasalukuyang tinutukoy pa ng Bureau of Fire Protection ang pinagmulan ng sunog.